Ang bayabas ay karaniwang prutas na lamang rito sa Pilipinas. Kahit saan ka pa pumunta ay siguradong may makikita ka. Marami rin ang nagtitinda ng bayabas sa mga kalye. Kilala ito dahil sa marami itong maliliit na buto sa loob ng katawan nito. Ginagawa pa nga itong guava jelly ng iba at masarap din namang gawing juice. Subali’t alam n’yo bang ang puno ng bayabas ay maraming pakinabang? Dahil kahit ano’ng bahagi nito ay mayroong gamit katulad ng balat, dahon at bunga.
Bukod sa masarap na ang bayabas ay nagtataglay din ito ng nutrisyon na mayaman sa vitamin A at vitamin C, na limang beses na higit na mataas kaysa sa oranges. Kaya’t ang pag-inom ng katas ng bayabas o ‘di kaya’y ang pinikulang dahon nito ay puwedeng maging gamot sa ubo at sipon.
Ilan pang makukuhang nutrients dito ay nicotic acid, folic acid, phosphorus, potassium, iron at fiber. Dahil sa mayaman sa fiber ang bayabas kaya’t mainam itong gamot sa constipation. Sa mga gustong huwag bumigat o tumaas ang timbang ay maganda ang pagkain ng bayabas dahil wala itong cholesterol at mababa lang carbohydrates. Ang maganda pa ay madali ka lang mabubusog sa bayabas kaya’t ‘di mo na kailangan pang kumain ng kumain.
Ang pagpapakulo sa dahon ng bayabas ay mabisang gamot sa uterine hemorrhage, pamamaga ng hita at iba pang bahagi ng katawan. Maaari rin itong maging gamot sa diarrhea at gastroenteritis. Higit itong kilala bilang panglinis at panglanggas ng sugat. Ang kinakailangan lang gawin ay punasan ang sugat ng pinikuluang dahon ng bayabas.
Mainam din ito para sa mga mayroong ulcer. Puwede ring maging lunas sa diabetes, epilepsy at spasms. Ang bayabas din ay nagpapaganda ng daloy ng dugo. Kaya’t mainam ito para makaiwas sa pagkakaroon ng highblood pressure. Pinapalakas din nito ang ating puso. Isa pa, nagpapalakas din ito ng menstruation ng kababaihan.
Ang balat ng puno ng bayabas at dahon nito ay puwedeng magamit bilang astringent. Puwede itong maging panapat sa mga beauty creams na ginagamit ng ilan. Ito ay maaaring sa pagkain ng mismo ng bayabas o ‘di kaya’y sa pamamagitan ng pagpahid ng pinakuluang dahon sa katawan. Bukod sa nagpapaganda na ng kutis ay nilalabanan din nito ang pagkakaroon ng problema sa kutis.
Puwede pa nga itong magsilbing gamot sa sakit ng ngipin. Nguyain lang ang dahon ng bayabas. Kung gusting gawing mouth wash ay uubra rin, dahil mayroon itong anti-bacterial properties. Pinapatibay pa nito ang ating gums.
No comments:
Post a Comment